Denice Cornejo, pinopormahan ni Atty. Ferdinand Topacio?

ADVERTISING

Denice Cornejo, pinopormahan ni Atty. Ferdinand Topacio?

Denice-Cornejo-Ferdinand-TopacioKAPAG MAY okasyon at imbitado naman si Denice Cornejo, siguradong darating ito kesehodang may kaso pa siyang kinakaharap kay Vhong Navarro. Huling nakitang si Deniece sa katatapos na PEP List Award na ginanap sa Resorts World kamakailan kasama ang controversial na abogado na si Atty. Ferdinand Topacio.

True kaya na pumoporma raw diumano ang controversial attorney sa controversial na model/actress? Ang tanong, pumatol naman kaya si babae kay lalaki? We heard na ‘di raw type ni babae si attorney.

Anyway, ‘di raw ba lumalabag sa batas si Denice sa ginagawa nitong paglabas-labas or pagpunta sa isang okasyon ganoong may kaso pa siyang kinakaharap kay Vhong?

Katuwiran ni Denice, wala naman daw nagbabawal na dumalo siya sa mga okasyon at imbitado naman daw siya.

ADVERTISING

Ang pagkakaalam daw niya ay bawal siyang lumabas ng bansa dahil naka-bail lang siya sa kaso nila ni Vhong.

Malaki rin ang paniwala ni Denice na papanig sa kanya ang korte laban sa comedian actor/ TV host.

Isang ngiti lang ang laging tugon ni Denice kapag tinatanong ng press kung hindi ba siya nag-aalala na mabigat ang kasong kinakaharap nila ni Cedric Lee.

Katuwiran ni Denice na masayahin siyang tao at hindi niya hinahayaang igupo siya ng problema. No comment si Denice kapag tinatanong kung ano ang magiging reaction niya kapag nagkita sila ni Vhong sa isang okasyon.

Tila naabisuhan yata siya ng kanyang abogado na bawal magbigay ng anuman comment kapag si Vhong na ang pinag-uusapan. Kaya kahit na anong tanong tungkol kay Vhong ay sarado ang bibig nito.

Basta ang feel daw niya ay balik normal na ang kanyang buhay. Bumalik na raw ang mga modeling offer at deal niya na nahinto pansamantala nu’ng masangkot siya sa kaso kay Vhong.

Hindi naman ikinaila ni Denice na nagkakausap pa rin sila ni Cedric at hindi raw apektado ang friendship nila matapos ang controversial na incident sa kanila ni Vhong.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING