Denice Cornejo, handang pasukin ang showbiz at makapareha si Vhong Navarro

Denice Cornejo, handang pasukin ang showbiz at makapareha si Vhong Navarro

Denice-Cornejo-Ferdinand-TopacioWILLING DAW pumasok sa showbiz ang controversial na si Denice Cornejo kung may mag-aalok sa kanya.
Hndi rin daw issue rito kung magkakasama sila ni Vhong Navarro sa proyekto.
Tsika nga ni Denice ang makausap namin sa katatapos na 31st Star Awards for Movies, kung saan dumalo ito kasama si Atty. Ferdinand Topacio. “I’m not closing doors naman if given a chance. Kasi bata pa naman ako at alam kong marami pang mangyayaring maganda, and bahala na po si God.”
Doing projects with Vhong: “Siguro sometimes we have to be professional in all aspects, trabaho naman ‘yun. But for now, nag-e-enjoy po ako sa mga projects na ginagawa ko.”
What made her strong? “Bukod sa Diyos, inisip ko na lang na kahit anong mangyari, kung kilala mo ‘yung sarili mo, ‘yun ‘yung magbibigay sa ‘yo ng inspirasyon sa buhay at laging tandaan na hindi ka nag-iisa. Hangga’t bata ka pa, marami pang challenges ang darating at pagdaraanan mo na hindi mo ini-expect. There will be a time na hindi mo ini-expect na may nga blessings na darating sa ‘yo and you have to be thankful for that.
Message to detractors: “God bless you all! ‘Yun lang po.”
Kay Vhong: “Ay wala po.”

John’s Point
by John Fontanilla