Death threats kina Bea at Gerald, pinaiimbestigahan na ng Star Magic

ADVERTISING

Death threats kina Bea at Gerald, pinaiimbestigahan na ng Star Magic

Death threats kina Bea at Gerald, pinaiimbestigahan na ng Star MagicWALA NA TALAGANG makapipigil sa pag-ere ng Wiling Willie, ang bagong show ni Willie Revillame sa TV5. Simple lang ang pahayag ng nakausap naming very much connected sa Kapatid network, “May imposible ba kay MVP?” And that’s none other than Manny V. Pangilinan, TV5’s Big Boss and the business tycoon with the Midas’ Touch!

Sa October 23 na ang initial telecast ng bagong show ni Willie, ayon sa mga naglabasang report. At talaga namang napakaraming fans (at detractors?) ng kontrobersiyal na TV host ang nakaabang dito. Kahit na ang paghahain ng TRO ng ABS-CBN ay tila hindi hadlang sa pag-ere ng TV show. Sa katapusan pa ng buwan ihahatag ang desisyon ng korte sa reklamo ng Kapamilya network, kaya pupuwede talagang umere ang Wiling Willie on October 23.

“SI MVP ANG talagang hari sa TV5,” ang pahayag naman ni Vic Sotto nang mahingan ng reaksiyon kung sino sa palagay niya ang ‘maghahari’ sa TV network ngayong aside from him and his kumpare na si Joey de Leon, ‘kapatid’ na rin nila si Willie.

Bukas naman daw si Bossing sa posibilidad na magkasama sila ni Willie sa isang TV5 project. “Sabi nga ni Pareng Joey, para kaming mga sundalo, kung ano ang iutos ng nakatataas, susundin namin. Sino ba naman kami para tumanggi?”

ADVERTISING

Pansamantala lang daw na mamamahinga ang Who Wants To Be A Millionaire na hino-host ni Bossing. “Baka by January, magsimula uli kami,” aniya pa. Pero meron naman agad na bagong TV show si Bossing sa TV5, ang Laugh or Lose (LoL) na mapapanood every Saturday.

Last Monday, nagkaroon kami ng chance na mapanood ang taping ng TV show sa Broadway Centrum. Bawal talaga ang malungkot sa set. Kahit hindi pa nga nagte-take, panay na ang patawa nina Jose Manalo, at ng guest comedienne nila that day na si Kakai sa studio audience. Wala si Wally Bayola dahil may sakit daw ito.

Walang script na sinusunod sa show except for the spiels at ‘yung rules ng game. Kapag nagsimula nang gumiling ang kamera, bahala na ang mga ‘tricksters’ na sina Jose at Kakai kung paano nila patatawanin ang audience. Although franchised TV show ito, very refreshing pa rin ang dating nito sa Pinoy audience. And it seems that TV5 is really putting innovations sa kanilang programming.

NAGLABAS NA NG official statement ang Star Magic sa mga nagpapadala ng death threats through e-mail kina Gerald Anderson at Bea Alonzo. At nakahanda raw ang pamunuan ng Kapamilya network na panagutin ang sinumang mapatutunayan nilang nagpadala ng mga pagbabanta sa kanilang dalawang talents.

Heto ang nilalaman ng statement: Star Magic has received numerous emails from fans threatening Bea Alonzo and Gerald Anderson, their respective families, star magic personnel and ABS-CBN executives. We have already forwarded their threatening emails to the proper authorities to determine if these people can be identified, caught and prosecuted. As we do this we appeal to them to please stop the threats and respect the personal decisions of our artists.

OVERHEARD SA SET ng The Buzz last Sunday: “Mabait naman talaga siya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit may mga nagsasabing mayabang siya. At lumaki na ang ulo niya. ‘Pag nakasama mo siya, hindi talaga siya gano’n,” sey ng isa sa staff ng show na kausap ang isa pang staff.

Ang pinag-uusapan nila ay ang komedyanang si Pokwang. Na bago sumalang sa kanyang live interview with KC Concepcion ay nakaw-eksena ang suot-suot na shoes. “Inspired ‘yan sa kambing,” ang nakaaaliw na sabi pa ni Pokwang sa studio audience. At hindi pa man sumasalang ay buhay na buhay na ang studio sa kakikayan ng komedyana.

Sa panayam ni KC kay Pokwang, nilinaw ng komedyana ang intrigang may ‘iringan’ sa pagitan ng female hosts ng PWNW. Wala raw ganoong eksena sa kanila nina Valerie Concepcion at Janelle Jamer. Mapagpakumbaba pang sinabi ni Pokwang na mas nauna sa kanya si Janelle when it comes to hosting, kaya malaki ang respeto niya rito.

Everytime na nakapapanood kami ng Pilipinas Win na Win, we can say na it’s already a Pokwang show. Ang komedyana na ang nagdadala ng noontime show ng ABS-CBN. Malay natin, one of these days ay magkaroon na nga ng ‘Wowowang’!

Bore Me
by Erik Borromeo

ADVERTISING