Dawn Zulueta, priority ang pagganap bilang asawa ni Cong. Anton Lagdameo at ina ng dalawang anak

Dawn Zulueta, priority ang pagganap bilang asawa ni Cong. Anton Lagdameo at ina ng dalawang anak

Anton-Lagdameo-Dawn-Zulueta-with-KidsISA MARAHIL sa masasabing perfect couple natin sa showbiz (kahit ang mister niya ay hindi artista kundi isang lingkod bayan) ay ang pagsasama nina Dawn Zulueta at Rep. Anton Lagdameo ng 2nd District ng Davao del Norte.

I remember noong unang tumakbo sa politika ang mister ni Dawn, all out ang aktres sa pagtulong sa kanyang mister sa kanilang nasasakupan.

Mula kasi nang ikasal sina Dawn at Anton, matagal bago naramdaman muli ng mga fans niya ang aktres. It took time at paghahanda ang pagbabalik-showbiz ni Dawn who was just a perfect wife and mom sa kanyang mister at sa kanilang dalawang anak.

Mula kasi nang bumalik si Dawn sa showbiz, halos wala na rin pahinga ang aktres dahil sa kaliwa’t kanang projects sa telebisyon at pelikula, lalo pa’t napatunayan niya na ang love team nila ng screen sweetheart na si Richard Gomez ay tinatangkilik pa rin.

Pero sa huling tsikahan namin ng aktres, sabi niya, “My priority is to play wife to Anton and mother to our kids.”

Naalala ko noon during the campaign session sa unang sabak ni Anton sa local politics sa kinasasakupan niya, naging mas “masa” ang peg ni Dawn who loves working with the locals sa mga pangkabuhayan projects para sa mga constituents ni Rep. Anton.

“I remember noon, papasukin namin ‘yong mga areas na malalayo from the main road at doon sa dulo ng mga barangays just to meet them and hear their stories which for me ay nakakatulong din sa akin as an actress, parang exposure ko na rin,” pagkukuwento niya.

Nang maging aktibo si Dawn sa balwarte ng mister niya who is on his 3rd term as a congressman, marami sa mga locals ang nagkukumbinsi sa aktres na pasukin na rin ang local politics para magkatulungan sila ng mister niya.

“Politics is not for me. It’s my husband’s turf. I leave it to Anton who have served his disctrict for so long. Hayaan n’yo na lang ang showbiz sa akin. Okey naman si Anton as a public servant. Wala namang reklamo ang mga constituents na pinaglilingkuran niya,” dagdag pa ni Dawn tungkol sa trabaho ng kanyang asawa.

Sa mga hindi nakaaalam, si Rep. Anton ay isa sa advocates ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na pinagtatalunan pa rin magpasa-hanggang ngayon sa Kongreso.

“Just like me, I love peace. Tahimik na pamumuhay, ‘yun naman ang gusto natin, ‘di ba? Kaya I support my husband for his deeds para maging tahimik na ang Mindanao and to give prosperity to his constituents.

“I will always support my husband in his political plans if he decides to run for the Senate next year. Ang showbiz career ko, he’s very supportive. Would you believe, kahit matagal na kaming mag-asawa, siya pa rin number one fan ko,” kuwento ng aktres sa amin.

Reyted K
By RK VillaCorta