Dawn Zulueta, mahihirapan nang makasama sa isang project si Richard Gomez

Dawn Zulueta, mahihirapan nang makasama sa isang project si Richard Gomez

Dawn Zulueta
Dawn Zulueta

Tila mahihirapan na muling magsama sina Dawn Zulueta at Richard Gomez sa isang project.

Mapa-telebisyon man o mapa-pelikula, it will take time bago magkapag-adjust si Goma sa kanyang bagong schedule bilang Mayor-elect ng Lungsod ng Ormoc (in Leyte). Tinalo niya ang incumbent mayor sa lungsod na itinuturing na niyang “kanyang bayan at tahanan”.

Gustuhin man daw ni Dawn Zulueta na pagbigyan ang milyun-milyon nilang fans ni Goma na magsama sa isang project (katatapos lang nila ng “You’re My Home” para sa Kapamilya Network), hindi kakayanin ni Goma ang kanyang schedules.

“I know it’s very difficult for him dahil sa last stretch ng teleserye na pinagsamahan namin while finishing his masteral degree at pagte-taping, kita ko sa kanya na nahihirapan na rin siya sa pabalik-balik ng Ormoc and Manila lalo pa’t it was campaign season,” sabi ng aktres tungkol kay Richard.

Pero happy si Dawn sa pagkapanalo ng kanyang ka-loveteam sa last election.

“He deserves to win this time. Pinaghirapan niya ‘yun,” sabi pa ni Dawn.

Sa kasalukuyan, si Dawn naman, hindi man sila magsasama muna ni Richard sa telebisyon o pelikula, busy naman sa pagtatapos ng pelikula niya with Piolo Pascual  na “Love Me Tomorrow” ng Star Cinema na mula sa direksyon ni Gino Santos.

Sa pagkakaalam ko kuwento ito ng mga “Titas” tulad ng mga babae na kasing  edad ni Dawn at ang involvement niya sa isang macho, pilyo, at playboy na disc jockey na ginagampanan naman ng aktor.

Sexy ang mga eksena sa pelikula na may touch ng pagiging naughty at kapilyuhan.

Sabi, hot na hot daw ang love scene nila ni Piolo at kung tama ang information sa amin may 20 kissing scenes daw silang dalawa sa pelikula.

Sa pelikulang “Love Me Tomorrow”, makasasama nina Dawn at Piolo si Coleen Garcia at showing na next Wednesday, May 25.

Reyted K
By RK VillaCorta