Dawn Zulueta, katambal ni Piolo Pascual sa May-December love affair movie

Dawn Zulueta
Dawn Zulueta

Bago para kay Dawn Zulueta ang role niya bilang matured woman na na-in love kay Piolo Pascual sa pelikula ng Star Cinema na “Love Me Tomorrow” na showing na sa May 25. Hindi rin daw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role.

“No. Not at all,” sabi pa ni Dawn Zulueta.

“I thought it was an exciting project and I’ve long been wanting to work with Piolo. Matagal ko nang  pangarap ‘yan, ang makatrabaho siya. It’s just that hindi pa kami makaisip that time kung ano ang bagay na project para sa amin.

“Usually, ‘di ba lately ang mga nagagawa kong mga projects ‘yung role of a mother, may mga kids… maiba naman,” sabi ulit niya.

Ayon pa sa aktres, very timely ang May-December love affair kind of film nila ni Piolo.

“I think that this particular material is timely. Kaya nu’ng sinabi nila na sa akin nila ibibigay tapos si Piolo Pacual ang kasama ko, I really considered that a great honor.

“It’s a wonderful opportunity also for me to do naman something different,” paliwanag niya.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleAlden Richards at Maine Mendoza, mas naging close nang magsama sa shooting sa Italy
Next articleLiza Diño, napikon sa bashers nila ni Aiza Seguerra

No posts to display