Dawn Zulueta, halos wala nang oras para sa mga anak

ADVERTISING

Dawn Zulueta, halos wala nang oras para sa mga anak

Dawn Zulueta
Dawn Zulueta

Kaloka ang schedule ni Dawn Zulueta lately, reason kung bakit tila umaangal na ang panganay niyang anak na si Jacobo na hindi na siya nito nakasasama sa mga school activities ng bata.

Dati-rati kasi noong hindi pa ganu’n ka-busy ang actress, may bonding time pa si Dawn Zulueta sa dalawang anak tuwing weekends, kung saan namamasyal sila kasama ang bunsong si Ayisha at ang mister na si Rep. Anton Lagdameo ng Davao.

Mula nang simulang gawin ni Dawn ang teleserye nila ni Richard Gomez na nagtapos na months ago at ito ngang latest movie ng aktres sa Star Cinema na “Love Me Tomorrow”, nababawasan ang pagkikita ng mag-iina.

Pero ipinaliliwanag naman ni Dawn sa mga anak na babawi siya pagkatapos ng work niya sa pelikula nila ni Piolo Pascual.

ADVERTISING

“If we go abroad for a vacation, todo-bonding kami,” sabi ng aktres.

Bukas, ipalalabas na ang pelikula ni Dawn with Papa P. Malamang until Sunday na lang marahil ang kabisihan ng aktres sa last stretch ng promotion ng pelikula, kung saan kasama nila si Coleen Garcia sa sexy rom-com na obra ni Direk Gino Santos.

“After the promo, rest na muna. I’ll make bawi kina Jacobo at Ayisha.

Yesteray, Monday, nasa Cebua si Dawn kasama sina Piolo at Coleen Garcia para sa promo ng pelikula. Ngayong gabi ay red carpet celebrity premiere  naman ng pelikula sa SM Megamall at regular showing na ng pelikula bukas.

Basta panigurado ni Dawn, sa kabila ng kabisihan niya lately, ang mga anak at mister pa rin niya ang kanyang prayoridad.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING