David Licauco, Rob Gomez, Nikki Co at Dustin Yu reunited sa ‘Regal Studio Presents: Isn’t She Lovely?’ with Jelai Andres

MISS NIYO na ba ang Chan Brothers ng katatapos lang na intense series ng GMA at Regal na Mano Po Legacy: The Family Fortune? The good news is the boys are reunited sa premiere episode ng season 3 ng ‘Regal Studio Presents‘ ngayong Sunday, March 13 sa GMA.

David Licauco, Rob Gomez, Nikki Co at Dustin Yu reunited sa 'Regal Studio Presents: Isn't She Lovely?' with Jelai Andres
Jelai Andres with the Mano Po boys Dustin Yu, Nikki Co, Rob Gomez and David Licauco

Magsasama-sama muli sina David Licauco, Rob Gomez, Nikki Co at Dustin Yu sa special episode na ito. This time ay hindi na sila magkakaaway. They’re just friends that became business partners at maliban d’yan ay meron pa silang common denominator: Lahat sila ay ‘na-ghost’ ng karakter ni Jelai Andres.

Kung sa Mano Po Legacy ay ubod ng sama ang karakter ni Nikki Co as Jameson, ibang-iba naman siya rito as Winston. Siya ang first love ni Lovely (karakter ni Jelai) na nakilala niya noong sila ay nasa high school pa lamang. Si Rob Gomez naman si Andrew, isang probinsyanong arkitekto na nanligaw rin kay Lovely. Kung level-headed ang karakter ni Rob bilang si Joseph Chan sa Mano Po Legacy ay siya naman daw ang medyo ‘maingay’ sa magbabarkada.

Si David Licauco naman si Stephen, na isa rin sa mga ghinost ni Lovely. Sa trailer ay mukhang sweet and romantic naman ito kaya bakit naman kaya siya igo-ghost ng babae, ‘diba?

And last but not the least, si Dustin Yu si Matt, ang kapatid ni Winston na naatasan na kapanayamin si Lovely na isa na ngayong rising recording artist!

Sa tulong ni Matt ay marereunite si Lovely sa tatlong lalaking minsan din naging espesyal sa buhay niya. Ano kaya ang nangyari?

Exciting ang buena mano ng Regal Studio Presents Season 3 sa ‘Isn’t She Lovely?’. Refreshing na nga na mapanood ang Chan Brothers na chill lang sa pool, nakakaaliw din na this time ay all-smiles ang mga karakter nila. Curious din kami malaman kung sino sa apat na hunks ang pinaka-bagay sa Pambansang MiLoves na si Jelai Andres.

Abangan na ngayong Sunday, 4:35pm sa GMA ang ‘Regal Studio Presents: Isn’t She Lovely?’ pagkatapos ng THE BEST KA!

Previous articleVLOG WATCH: What Maui Taylor does on her lock-in taping rest days
Next articleBigating mga bituin naghatid ng saya sa 70K supporters ni Leni sa Bacolod City