Dating sikat na young actor, pati pang-gasolina, inuutang na

ADVERTISING

SA SHOWBIZ talaga, in one wink, marami ang nagbabago. Dating sikat siya at maraming fans, nakaaawa nga itong si not so young, not so old na actor dahil ilang araw lang ang nakaLIlipas ng pagiging makulit nito sa pagka-cash advance sa indie movie na dapat isasali siya.

Sumasakit ang ulo ng line producer sa gusto niyang mangyari. Sabi nga ng line producer, “Kung meron nga lang ako, aabonohan ko na.”

ADVERTISING

Walang-wala raw ang bida natin sa ating blind item for today. Ang nakakalokah, humantong sa kahit daw 3K ay okey na sa kanya.

O, knows n’yo na ba kung sino siya? Madali lang naman siyang mahanap. Aktibo pa rin naman siya, kaya lang, kitang-kita na bumaba na ang kanyang level.

Pati nga raw pang-gasolina nito ay inuutang pa. Kalorkey, ‘di ba?

ADVERTISING

By Fernan de Guzman

ADVERTISING