Dating sikat na sexy actress, nagtitinda na lang ng sabon!

ADVERTISING

NAKAKATUWA NAMAN ANG isang dating sexy actress na ngayon ay napabayaan na ang katawan. Kasi, kahit lumusog siya nang bongga ay marami pa ring nakakakilala sa kanya sa mall madalas.
Ano ba ang ginagawa niya sa mall? Bakit madalas?
Siya ngayon ang namamahala sa puwesto ng isang sexy actress na very thankful siya, dahil tinulungan siya nito nu’ng siya’y nangangailangan.
At dahil kailangan niya ng trabaho, binigyan din siya nito. Siya na ang tumatao sa puwesto nito ng mga tindang sabon sa isang mall.
Happy naman daw ito sa trabahong ibinigay sa kanya. Kaso, may pamilya rin itong nais itaguyod, kaya ang suweldong P300 per day ay hindi kakasya sa kanyang pamilya.
“Gusto ko pong bumalik sa showbiz. Alam ko naman pong hindi na ako ganu’n kasikat, kahit nga P5,000 lang a day, okay lang. Malaking tulong na po ‘yon sa akin at sa pamilya ko.”
Sey ng aming source, “Papa O, tulungan mo, maganda pa rin siya ngayon kahit na lumaki katawan niya. Nakakaawa.  Naparami tuloy ang bili ko ng sabon sa kanya!”
Aba, hindi pa naman tapos ang laban ng buhay. Naniniwala kaming sa hirap ng kanyang mga pinagdaanan ay mas humusay siya sa pag-arte ngayon at kaya na niyang umawit ng “Lalalalalala…”
(By Ogie Diaz)

ADVERTISING