Dating sexy star Piel Morena mas piniling magpakasal sa lalaki kesa makipagrelasyon sa kapwa babae

ADVERTISING
Leo Bukas

TAONG 2014 nang magpasya ang dating sexy star na si Piel Morena na manirahan na sa Germany kasama ang kanyang napangasawa. Ito ay pagkatapos niyang aminin ang pagiging lesbian niya noong 2012.

Ayon kay Piel, totoong lesbian siya pero isang German guy  ang napili niyang pakasalan. Na-realize daw kasi niya na isa pla siyang pansexual.

Pansexual people may refer to themselves as gender-blind, asserting that gender and sex are not determining factors in their romantic or sexual attraction to others. Meaning, wala silang pakialam sa biological sex, gender, or gender identity ng taong mamahalin nila.

Dating sexy star Piel Morena mas piniling magpakasal sa lalaki kesa makipagrelasyon sa kapwa babae
Piel Morena during her showbiz days (Left) | Piel Morena happy in Germany at present (Right)

Ani Piel, “Although I came out nu’ng 2012 as a lesbian, after a while I realized na mas nagpo-fall pala ako sa pansexual category dahil I really don’t care sa gender ng tao. Basta na-attract ako or minahal ko. Yes, he knows about my sexuality and our relationship is not a traditional one.

“We’re more like companions and it works and we’re happy naman.”

ADVERTISING

Dagdag pa ni Piel, hindi raw dapat ikahiya ang pagiging, lesbian, bisexual or pansexual ng isang tao.

“Don’t be afraid to allow your heart to lead your head. Kasi, after all, love will prevail. Yes, totoo it’s not an easy path. You will encounter a lot of challenges, struggle and obstacles, but that’s already a part of life. Ang magiging edge mo na lang is you live the life that you love.

“Dahil sa totoo lang, sarili mo lang ang kalaban mo for achieving that peace you going after. So treat yourself as your friend. Love yourself and be proud of who you are,” katwiran pa niya.

Wala pa ring anak si Piel sa asawang German at ang sabi niya, desisyon niya talaga na hindi magkaroon ng anak.

“Wala kaming anak and it is my decision not to have any. No, I don’t feel any regrets na hindi ako nagkaanak. I am happy as it is. People may not understand this kind of thinking but I know what I want and I am free to do what I feel is right for me.

“But it also doesn’t mean na hindi ko iwe-welcome ang opportunity kung sakalign dalhin ako ng pagkakataon sa sitwasyon na kailangan kong mag-adopt or mag-foster. Ayoko lang maglabas ng isa pang bata sa mundo. Mas gugustuhin ko na mag-save na lang ng abandone one, if ever the situation calls for it,” paliwanag pa niya.

Samantala, ibang-iba ang itsura ngayon ni Piel kumpara noong aktibo pa siya sa showbiz bilang artista. Tumaba siya nang husto pero hindi raw naman niya ito ikinakahiya.

“Ganun talaga, eh. Wala naman akong image na kailangang protektahan, hindi na rin naman ako artista, so ini-enjoy ko na lang ang buhay ko dito sa Germany,” lahad niya.

Si Piel ay naging contract star ng FLT Films. Five years lang siyang tumagal sa showbiz at kabilang sa mga pinagbidahan niyang pelikula noon ay ang “Hamog sa Magdamag, Kabiyak 2, Campus Scandal, The Virgin Wife, Senswal, Tulak ng Bibig Kabig ng Dibdib, Ako’y Ibigin Mo Lalaking Matapang, Tabi-Tabi Po at iba pa.

ADVERTISING