Dating Sexy Actress, pinatuloy na sa bahay, nagnenok pa ng gadgets

SINO ITONG sexy actress na dating nagpakasal sa isang mayamang foreinger at doon na sila nanirahan sa abroad? Ang siste, nagkaanak sila ng isa at hindi nagtagal ang kanilang pagsasama kaya ang sexy actress ay natutong mabuhay mag-isa at tinutulungan ng kakilala niyang kababayan abroad.

Naimbitahan ito sa medyo malayong lugar para mag-personal apperance. Nu’ng natapos na ang show, ang sabi nito magho-hotel na lang, pero nag-offer ang nag-imbita sa kanila na roon na lang matulog sa kanila. Pinagbigyan naman ng sexy actrees.

Kinabukasan, paggising ng may-ari ng bahay, wala na si Sexy Actress, tangay ang laptop, tatlong cellphone, iPod, at mga mamahaling alahas. Kaloka, matingerze na pala itong si Sexy Actress, kasi mahigpit ang pangangailangan. In short, wala ng K.

By Tita Swarding