Dating sexy actress, nagtitinda na lang gulay sa palengke!

MAY GUSTO SANA kaming sulatin. Isang dating kilalang aktres na ngayon ay nasa isang pagamutan. Nawala kasi ito sa katinuan, kung saan ay nakapag-asawa ito ng isang businessman na ang business pala ay droga.Kaya lang bukod sa bawal ay baka kami naman ang buweltahan ng mayaman nitong angkan.

Kaya ang dating sexy actress na nagtitinda na lang ngayon ng gulay sa palengke ang ating pag-usapan. Sa Region 4 naroon ngayon ang dating sexy actress na nagtitinda ng gulay. Ang bida sa ating blind item sa araw na ito ay ang aktres na kung ilang beses nang nakakuha ng acting award dahil sa husay ng kanyang pagganap.

Nawala siya sa showbiz dahil nakapag-asawa siya noon ng businessman. Pero sad to say, ilang taon lang ay namatay ang nasabing businessman kaya naibenta ang lahat ng naipundar hanggang sa siya ay magkasakit ng cancer.

May sakit na cancer noon si sexy actress, gumaling siya, pero nitong huli ang pakiramdam niya ay umuulit na naman ang kanyang sakit. At dahil sa kakulangan ng pera, humihingi na lang siya ng tulong sa ilang kaibigan at mga politician.

Si dating sexy actress ay malayung-malayo sa aura niya noon, dahil bukod sa payat ito, mukha na itong matanda habang dala-dala ang bilao na may lamang kamatis, sibuyas at kung anu-ano pang kagulayan.

(By Morly Alinio )