Dating sexy actress Marinella Moran balak balikan ang pag-arte at pagprodyus ng pelikula

Leo Bukas

PLANONG bumalik sa showbiz ng dating sexy actress noong dekada 90 na si Marinella Moran. Nami-miss niya raw kasi ang pag-arte at ang iba pang mga ganap sa showbiz.

Nagkaroon ng ganitong realization si Marinella sa gitna ng pandemic dahil sa covid-19 habang nasa Singapore siya kasamang ang asawa at ang cute little boy na anak.

Dating sexy actress Marinella Moran balak balikan ang pag-arte at pagprodyus ng pelikula
Marinella Moran

Sa Singapore na naka-base ngayon si Marinella. May comestics business and trading company siya doon.

Pero hindi lang pag-arte ang gustong balikan ng sexy mom na namayagpag noon sa mga pelikula ng Seiko Films. Gusto rin niyang mag-produce ng pelikula.

“Hinihintay ko lang maging okay ang border, then babalik na ako riyan. Supposed to be last year pa, but because of this virus issue we are facing right now, that stop me from being there in Manila,” ani Marinella.

Taong 2005 nang magpakasal si Marinella at iwanan ang showbiz para manirahan sa Singapore.

“Na-miss ko ang showbiz specially when the pandamic started. Kasi, I have time to watch my old movies and I miss so much iyong mga reporter or journalist na mga friends ko. And yung mga call time kapag may shooting or shows.

“Tumigil ako sa showbiz noong 2006, because of my studies and I feel that at my age I want to start a family, get married, have kids and put up a small business in Singapore,” lahad pa ng sexy mom.

Maituturing na biggest achievement ni Marinella sa showbiz ang pelikulang Sa Paraiso ni Efren ni Anton Bernardo directed by the late Maryo J. delos Reyes. Sa naturang pelikula siya nakatanggap ng nominasyon bilang Best Supporting Actress.

Dating sexy actress Marinella Moran balak balikan ang pag-arte at pagprodyus ng pelikula
Alexander Robin Hardman, Marinella Moran

Samantala, super cute ng 2-year-old son ni Marinella na si Alexander Robin Hardman. Makakasama niya ito sa pagbalik sa Pinas and who knows, baka ang bata pa ang magpatuloy sa naudlot na showbiz career ni Marinella, huh!

“If there is a chance sa showbiz, okay lang po na pumasok siya. But sa ngayon, ang daming nag-offer na ng commercials and print ads and billboard sa anak ko,” pagmamalaki pa niya.

When asked kung sino ang aktres na gusto niyang makatrabaho, ani Marinella, ay si Claudine Barretto daw. Kasalukuyang ginagawa ni Claudine ang pelikulang Deception sa Viva Films.