Dating member ng Upgrade at G2B Boys na si Ron Mclean Galang, solo artist na

Dating member ng Upgrade at G2B Boys na si Ron Mclean Galang, solo artist na

Ron Mclean Galang
Ron Mclean Galang

Solo artist na ngayon ang dating member ng Upgrade at G2B Boys na si Ron Mclean Galang na huling napanood sa “Got To Believe” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ABS-CBN bilang mga ka boyband ni Daniel.
Bukod sa pag-arte at pag-awit ay isa ring commercial at print ad model si Ron. Ngayon ay kasama ito ng Generation 6 at X3M Dancers sa paglibot sa iba’t ibang Star Malls, kung saan katatapos lang nilang mag-perform sa Star Mall EDSA, Star Mall Las Piñas, at Star Mall San Jose, Bulacan, at ito ay hatid ng Star Mall, Ysa Skin and Body Experts, Aura Soap, New Placenta, at Olive C Soap.
Ang mga awitin daw ng international boy group na One Direction ang paboritong awitin ni Ron, kung saan kamukha nito ang isang member nito na si Harry na siya namang paboritong member ni Ron.
Hindi nga nito pinalagpas at pinanood ang konsiyerto noon ng One Direction nang mag-concert dito kahit mahal ang ticket.

John’s Point
by John Fontanilla