Dating Matinee Idol, sa Sinehan Rumarampa para Makahada!

BLIND ITEM: HINDI na sa pag-aartista, kundi sa ibang allied field in showbiz nalilinya ang dating matinee idol na ito. Kung noo’y usap-usapan lang ang kanyang pagiging limp-wristed (read: bading), now he doesn’t seem to hide it anymore pero disente naman kung dalhin niya ang kanyang sarili.

Tinanong ko siya kung kumusta ang kanyang sex life. Unlike discreet gay celebrities who have contacts with masseurs for home service, karaniwan at cheap lang kung humada ang ating bida.

Paborito niyang puntahan ang mga sinehan, kung saan hindi naman pelikula ang dinarayo roon kundi ang mga kapwa ring baklang parokyano na wari’y mga zombie na walang-kapagurang gala nang gala sa loob, hitsurang madilim.

“Pero iba ang drama ko,” pagmamalaki ng aktor, na tila may itinatagong manggang kalabaw sa kanyang harapan. “‘Pag magsi-CR ako, hindi ako dyumidyinggel sa urinal na magkakatabi kami. Du’n ako sa cubicle. Ang drama ko, ipasa-sight ko ‘yung kalahati ng puwet ko, ‘yung kitang-kita na ‘yung biyak. Siyempre, maloloka sila kasi ang puti-puti ng puwet ko. Magkakagulo na ang mga bakla sa likod ko, tapos, pipili na lang ako sa kanila kung sino ang beautiful,” kuwento ng aktor na naiimadyin ko tuloy ang eksenang ‘yon.

Eh, paano kung makilala siya ng kahadahan niyang bakla rin? “Siyempre, todo-deny ako. Nag-iba na rin naman ang hitsura ko. Tumaba lang ako nang konti.”

Clue? Minsan sa ating high school life ay hindi natin pinalampas ang mahalagang okasyong ‘yon bago tayo gumradweyt… ‘yun ang initials niya!

SHE’S A WELCOME member of the Eigenmann family,” ito ang tinuran ni Andi Eigenmann patungkol kay Carla Abellana, na nali-link sa kanyang pinsang si Geoff. Andi is the daughter of Mark Gil na kapatid ni Michael de Mesa na ama ni Geoff.

Pero hindi lang ‘yun ang kunek ng dalawang aktres. Despite ‘yung magka-iba nilang network affiliation (Andi is with ABS-CBN while Carla is with GMA), hindi ‘yun hadlang para mapagsama sila ng Regal Entertainment sa pelikulang Mamarazzi, the film company’s 50th anniversary offering starring Eugene Domingo.

Dual role ang ginagampanan dito ni Andi, an Agua Bendita-inspired exposure while Carla plays an actress, both characters being the easiest to portray, but the hardest movie assignment nga ba considering na si Joel Lamangan ang direktor nito?

As for Carla, gamay na niya si Joel, he being the director of Basahang Ginto. Ewan lang sa kaso ni Andi lalo’t balitang may quirks na raw ito sa taping ng kanyang teleserye.

Showing on August 25, acid test ito kina Carla at Andi kung kaya nilang makipagsabayan kay Uge sa pagpapatawa, or they’re just there to provide physical beauty.

BRACE YOURSELVES DAHIL nalalapit nang i-announce ng star search na Star Factor ng TV5 ang Top 24 among thousands od showbiz hopefuls who auditioned last July 31 (Manila), maging sa Cebu at Davao on two consecutive weekends.

Deliberations are already under way among the Star Makers para sa launch ng kauna-unahang batch ng homegrown talents ng Kapatid Network. Abangan!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSinugod ng ama ni Queenie: PJ Valerio, ‘Di Nag-sorry kay Robin Padilla!
Next articleZanjoe Marudo, masasaktan ‘pag napasama si Mariel Rodriguez!

No posts to display