DATING MAG-EX: Jerome Ponce at Elisse Joson, nag-iiwasan nga ba?

ADVERTISING

DATING MAG-EX: Jerome Ponce at Elisse Joson, nag-iiwasan nga ba?

DATING MAG-EX: Jerome Ponce at Elisse Joson, nag-iiwasan nga ba?
JEROME PONCE

NAAASIWA kaya si Jerome Ponce na maka-trabaho ang dating girlfriend niya na si Elisse Joson sa bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment na “The Good Son”?

 
Ang alam ko kasi, hindi naging maganda ang hiwalayan ng dalawa na nauwi sa “cold treatment” nila sa isa’t isa lalo pa’t si Elisse ngayon ay romantically rumored to be McCoy de Leon’s girlfriend na kasama din sa bagong drama-serye ng Kapamilya Network na mapapanonood na simula September 25, Monday next week after La Luna Sangre.
 
Sa blogcon na naganap recently for the teleserye ay magkalayo ang upuan ng mag-“ex”.
 
Si Jerome, nakaupo katabi ni Joshua Garcia habang si Elisse ay katabi naman si McCoy na pansin ng mga dumalo na mga online bloggers ay panay ang holding hands ng dalawa.
 
Para sa binata, oks lang na makasama niya ang “ex” sa teleserye. “It doesn’t affect me at all. In the first place, tinanong ako, eto ganyan, walang sinabi sa akin kung sino makakasama. Nung nakita ko na, nabasa ko na yung script, sino ‘to, sino ‘yan, okey naman. Parang chill lang,” sabi ni Jerome.
 
DATING MAG-EX: Jerome Ponce at Elisse Joson, nag-iiwasan nga ba?
THE GOOD SON CAST
 
At least si Jerome, professional ang pagtanggap sa kung ano man ang trabaho ang ipagagawa sa kanya ng istasyon at hindi dahilan na mag-iba ang pananaw niya towards work porke’t mag-ex sila ni Elisse ay iiwasan na niya.
 
Bukod kina Jerome, McCoy, Elisse at Joshua ay makakakakasama din nila sina Loisa Andalio, Alexa Ilacad at Nash Aguas sa mga younger casts ng serye.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING