Dating Kapuso stars Stephanie Henares at Gino Dela Peña, ikakasal na

ADVERTISING

Dating Kapuso stars Stephanie Henares at Gino Dela Peña, ikakasal na

Stephanie-Henares-Gino-dela-PenaISANG GARDEN or beach wedding daw ang planong kasal ng mga former Kapuso stars na sina Gino Dela Peña at Stephanie Henares na isa nang Viva artist at PR/Advertising Manager ng SM Entertainment Lifestyle, Inc.
Kuwento nga ni Stephanie nang makausap namin sa launching ng Avengers para sa pagpapalabas ng Avengers: Age of Ultron na ginanap sa SM North Edsa The Block, “Gusto ko sana ng garden wedding or beach wedding or both beach and garden Wedding, with family, relatives and ‘yung friends since childhood… ganu’ng tipo.
“Nagligaw-ligawan din kami, mga ilang years din ‘yun until we settle down at naging official. Until mga two to three years weve been together, ayun, nag-propose siya.
Date and venue? “Were looking at summer next year, siguro mga March, pero wala pang exact na date, maybe out of town. Maybe in Bataan, somewhere na travel by land. Siyempre may lola ako, gusto ko nandu’n siya. ‘Yung lolo ko roon, can’t travel so far, kaya kailangan medyo malapit lang.
“And then ‘yung decision-making sa wedding, pareho kami. May opinion siya and ako rin. Marami siyang magagandang gawin for the wedding, and ang magando ro’n, ‘yung mga gusto niya, ganu’n din ako.
“Alam naman natin na ‘yung wedding ang dream ng bawat ng babae,” pagtatapos ni Stephanie.

ADVERTISING

Jake-VargasJake Vargas, pasasayahin ang kanyang mga tagahanga sa Cebu

NAKATAKDANG MAG-SHOW sa bagong bukas na Star Mall Cebu ang Kapuso Prime Teen Actor na si Jake Vargas sa April 26, 2015 (Sunday), 4pm.
Haharanahin ng tinaguriang Prince Of Mall Show ang kanyang mga tagahanga sa Cebu sa kanyang mga inihandang awitin.
Regular na napapanood si Jake sa Pepito Manaloto, Walang Tulugan with the Master Showman at Sunday All Stars. At abangan din siya sa bagong teleserye ng Kapuso Network.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING