Dating Junior Action Star, Dismayado Sa Pagkataklesa Ng Gustong Ligawang Female HOST!

ADVERTISING

 

NALOKA PALA ANG isang junior action star dati nang ligawan niya ang isang TV host.
Nagpasabi kasi ang macho star na gusto niyang dumalaw sa bahay ng isang sikat na female host. Pumayag naman kaagad ang hitad.
At sa sobrang excitement, naku, ang lola n’yo ibinalita kaagad sa kanyang reporter-friends ang planong pagdalaw ng bago niyang suitor with matching invitation na rin sa movie scribes.
Noong araw ng pagdalaw ng action star, naloka na lang siya dahil nadatnan niya sa condo ng host ang apat na reporter. But gentleman that he is, tumuloy pa rin siya. You can only imagine his discomfiture in the situation that he was in at that time.
With that scenario, hindi na nasundan pa ang pagdalaw ng actor sa taklesang host.
Da who ang action star? Naku, kasama siya sa seryeng ang tema ay pinasikat ng isang controversial group of players.

ADVERTISING

(By Alex Brosas)

ADVERTISING