Dating bida ng Scorpio Nights na si Anna Marie Gutierrez biglang nagpakita sa social media pagkatapos ng death hoax

ADVERTISING
Leo Bukas

BIGLANG naging aktibo sa Facebook ang retired actress na si Anna Marie Gutierrez pagkatapos kumalat ang balita na namatay na siya.

Nag-friend request siya sa amin just recently and after namin siyang i-confirm ay kaagad na rin naming kinuha ang reaksyon niya tungkol sa pagkalat ng death hoax about her.

ADVERTISING

Sabi ni Anna Marie sa amin, “I’m shocked, but what can I do? That’s why I created this FB account for them to know that I am very much alive!”

Anna Marie Gutierrez now

Nag-alala rin sa kanya ang iba pang mga kaibigang artista including Daria Ramirez sa fake news na pumanaw na siya.

Anna Marie is one of the finest actresses during the 80s. Isa sa kanyang most remarkable films ay ang controversial na Scorpio Nights ni Peque Gallaga na ipinalabas noong 1985.

ADVERTISING

Unang ipinakilala si Anna Marie sa comedy film ni Dolphy  bilang isa sa  Dolphy’s Angels noong 1980.

Pagkatapos niyang gawin ang kontrobersyal na Scorpio Nights ay nagbida rin siya sa mga pelikulang Magkayakap sa Magdamag (1986), Unfaithful Wife (1986), Huwag Pamarisan: Kulasisi (1986), Takaw Tukso at marami pang iba.

Anna Marie Gutierrez during the 80’s

Kasalukuyang naninirahan si Anna Marie sa Larchmont, New York kasama ang kanyang anak na babae.

Si Anna Marie ay itinuturing na Sex Goddess nung dekada 80.

ADVERTISING