Dating Beauty Titlist, pinagbabawalang magsalita sa harap ng media

ADVERTISING

BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong after manalo ng isang title ay parang nakakaloka ang eksena. Nalaman kasi ng isang kaparazzi natin na friend niya pala ang friend nu’ng winner na’ yun na gusto niyang ma-interview ito tungkol sa buhay niya dati at itatanong lang naman ay kung may magbabago ba sa kanya ngayon?

Naloka naman ako sa sagot nun’g winner. ‘Di pa raw siya p’wede magsalita dahil pinagbabawalan pa raw siya nu’ng production staff nu’ng show.

Nakakaloka, wala pang isang lingo ang pagkapanalo niya ay kung umarte, ganu’n ganu’n na lang, Pero siyempre baka nga naman hindi pa niya alam ang buhay ng showbiz kaya kailangan paalam muna ng bonggang-bongga ‘di ba? Pero siyempre ang masasabi ko lang sa kanya bongga siya, sa pagkapanalo niya, ‘di ba?

By Camille Espeña

ADVERTISING