Daryl Ong, walang sablay kahit tanghaling tapat

ADVERTISING

Daryl Ong, walang sablay kahit tanghaling tapat

Daryl-OngBONGGA ITONG si Daryl Ong, ha? We’re saying this dahil nakakakanta ito ng tanghaling tapat.

ADVERTISING

When his self-titled album was launched on a lunch time, kinanta ng binata ang ilang cuts like Ikaw Na Nga, Dapat Pa Ba?, Hopeless Romantic, and Mabuti Pa. Malinis ang hagod ni Daryl, walang sablay. Ang maganda pa, hugot kung hugot siya, dinamdam talaga niya ang mga mensahe ng kanyang kanta.

This The Voice contestant was one of our idols. Napanood na kasi namin ang mga Youtube videos in the past before he joined the season 2 of The Voice. Maganda ang cover versions niya ng mga sikat na kanta.

Daryl disclosed na si Gary Valenciano pala ang  influence niya sa music.

ADVERTISING

“Ang nagustuhan ko kasi kasi kay Sir Gary ay kung paano niya itawid ‘yung kanta sa tao. Kung sa style ay magkaiba kami, pero gusto ko kung paano niya bigyan ng buhay ang song,” say niya.

Ang hindi lang daw niya magaya ay ang dancing skills ni Mr. Pure Energy.

Maganda ang list of idols ni Daryl sa foreign singers as it include James Ingram, Stevie Wonder, Brian McKnight, Boys II Men, Peabo Bryson.

Executive producers for Daryl’s self-titled album are Malou N. Santos, Roxy Liquigan, Vehnee Saturno and Kate Valenzuela. Over-all album producers are Vehnee and Kate with Jonathan Manalo as audio content head. It’s now available on record stores.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING