Darren Espanto, pinaghahandaan ang album release at isang major concert

Darren Espanto, pinaghahandaan ang album release at isang major concert

Darren Espanto
Darren Espanto

Masayang ibinalita ni Darren Espanto na malapit-lapit na ang release ng kanyang 2nd album ngayong taon na naglalaman ng mga awiting siya mismo ang pumili.
Tsika nga ni Darren Espanto nang makausap namin sa PEP’S Salon kamakailan, “I’m about to release my second album po, this May, and it’s called “Be With Me”. And I have a major concert po this coming June 25 at the Kia Theater.”
Sa ngayon nga raw, wala pang title ang kanyang nalalapit na konsiyerto.  “Wala pa po, we’re still planning pa. Pero my confirmed guest is Kuya Jed Madela. ‘Yung iba, kinu-confirm pa namin.”
Nakatakda rin daw itong lumibot muli sa iba’t ibang lugar sa Amerika at Canada para mag-concert.

“Meron po, pero I’m not sure if puwede nang sabihin. If siguro sure na sure na, if saan and when, I will tell you po,” pagtatapos ni Darren.

John’s Point
by John Fontanilla