Darren Espanto, pinabilib si Nikki Minaj, ‘di malayong maka-penetrate sa international scene

ADVERTISING

Darren Espanto, pinabilib si Nikki Minaj, ‘di malayong maka-penetrate sa international scene

Darenn-EspantoVERY THANKFUL daw ang mahusay na singer na si Darren Espanto dahil sa paghanga sa kanyang galing sa pagkanta ng international singer na si Nikki Minaj.
Bilib na bilib nga raw ang singer behind hit song na “Anaconda” at marami pang kanta sa taas ng timbre at linis ng boses ni Darren. Dagdag pa riyan ang husay nitong mag-perform at sumayaw.
Kaya nga marami ang humuhula na malaki ang tsansa ni Darren na maka-penetrate sa international scene, lalo na’t buong mundo ay pinanonood na ang kanyang mga videos sa Youtube na milyun-milyon ang views.
Suportado pa si Darren ng kanyang mga solid supporters mula sa Team Baliwags, Team DSS, Team Berde, Team Diamonds, Darrenatics Pampanga, Darrenatics Laguna, Team C, Team CasRen, Power Team, DVT, Team T, Prayer Warriors, at ang International Vision Team headed by Rosemarie Carido Armas.

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING