Darren Espanto, may bagong album at malaking concert ngayong taon

Darren Espanto, may bagong album at malaking concert ngayong taon

Darren Espanto
Darren Espanto

Busy as a bee ang napaka husay na mang-aawit na si Darren Espanto dahil bukod sa release ng kanyang pinakabagong album ay sunud-sunod ang concert na gagawin nito sa loob at labas ng bansa.

Nakatakda nga raw na magkaroon ng major concert si Darren Espanto sa Kia Theater this coming June, na ayon dito ay si Jed Madela pa lang ang alam niyang confirmed guest.

Bukod pa rito ang plano ngayong taon na muling libutin ni Darren ang ilang key cities sa Amerika at Canada para mag-concert sa mga kababayan natin doon.

At kahit nga napakaraming achievements na ang nakukuha ni Darren, nananatili pa rin itong humble at ‘di kakikitaan ng pagbabago. Kaya naman mahal na mahal ito ng kanyang mga tagahanga, lalung-lalo na ang DIVT sa pangunguna ni Ms. Rose Armas.

 

Hiro Peralta
Hiro Peralta

Hiro Peralta, nangarap palang mapasama sa “Encantadia”

ISA PALA sa dream ng GMA 7’s prime artist na si Hiro Peralta ang makasama sa “Encantadia”. Bata pa lang daw ito ay napanonood na niya ang nasabing palabas.
“Bata pa po ako, napanonood ko na ang Encantadia at isa ito sa pinakamatagumpay na naging show ng GMA 7. Kaya naman sa pagbabalik-telebisyon nito, pinangarap ko talagang makasama.”
Pero hindi nga pinalad na mapasama si Hiro sa “Encantadia”. Pero okey lang daw, dahil alam naman niyang may ibang show na ibibigay sa kanya ang Kapuso Network.
At habang naghihintay raw si Hiro ng next project sa GMA, regular itong napanonood sa “Unang Hirit” bilang segment host at may mangilan-ngilan din siyang guesting sa iba’t ibang shows ng GMA 7.

John’s Point
by John Fontanilla