Darren Espanto inuunti-unti ang pagiging daring at sexy

Leo Bukas

IBANG-IBA na ang itsura ngayon ng datting The Voice Kids finalist na si Darren Espanto. Unti-unti nang natutupad ang sinasabi niya noon na gusto niyang makita ng mga tao ang “a different Darren.” Ang paglabas ng kanyang mga topless photos ang patunay daw nito.

“We started doing this po last year when I got back from Canada. Pagbalik kop o ng March my team and I sat down and we decided na it’s time to kind of showcase a different Darren in terms of his image and everything — yung styling kop o, yung music ko and yung appearance ko po.

Darren Espanto inuunti-unti ang pagiging daring at sexy
Darren Espanto daring photos

“That’s why a lot of people were kind of shocked with my previous birthday pictorial na naka-sando lang ako kasi hindi daw yon yung nakikita nilang Darren and I think that was a good start,” kuwento ni Darren sa interview namin.

Naglabas na rin ang singer ng mas mature na video at iba’t ibang content na talagang iba sa usual na nakikita sa kanya ng mga tao.

“I don’t want to limit myself to one genre only. I’d like tto keep on exploring different genre kasi nag-release na rin po ako ng single na alternative, merong RnB, pop siyempre po. So I don’t want to limit myself po but also at the same time mas mature na tunog, hindi katulad nung mga singles ni Darren after niya sa The Voice Kids,” lahad pa ng binata.

Kahit mag-iba ng genre ay hindi pa rin naman daw niya tatalikuran ang dating tunog na nakasanayan ng tao sa kanya.

Ani Darren, “I still want to touch on certain genres na katulad pa rin nung Darren na nakilala ng tao dati pa para hindi naman completely mawala. Kasi I still enjoy singing those kinds of genres naman po.”

Mas magiging mas daring na rin ba siya sa concert scene? Meaning, hot at sexy Darren na ba ang mapapanood sa kanya ng fans?

“Sa ASAP napapasuot na ako ng stylist ko ng mga fish net pero nagre-request pa rin ako na may jacket kasi hindi ko pa po talaga kaya yung naka-fish net lang. Ewan ko po, siguro nasa personality ko din and I guess it’s also something to keep everything a bt more mysterious in a way. Yung parang not everything is out there parati and at the same time nakikita po ng tao yung evolution ni Darren – yung pag-mature niya as an artist,” sagot ni Darren.

“And I can say na I’m very proud of what we’ve achieved so far and we’ll see what happens in the next few years, kung ano na ang magging itsura ni Darren,” hirit pa ng singer.

Previous articleMadam Inutz keber kahit macho dancer ang dyowa
Next articleAyanna Misola hindi na-pressure sa remake ng Dina Bonnevie classic na ‘Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili’