Darren Espanto, humakot ng dalawang award sa Star Awards for Music

ADVERTISING

Darren Espanto, humakot ng dalawang award sa Star Awards for Music

Darren-EspantoHUMAKOT NG dalawang award sa katatapos na 7th Star Awards for Music na ginanap sa Kia Theater last Nov. 10 ang mahusay na singer na si Darren Espanto.

Wagi ang album ni Darren ng “Album Concept/Design of the Year” at “Pop Album of The Year”, kung saan pinasalamatan nito ang lahat ng taong tumulong para maging successful ang kanyang album na ngayon ay certified Platinum na.

Marami na ngang solid supporters ni Darren ang nag-aabang sa kanyang second album, lalo na ang Team Baliwag, Team DSS, Team Berde, Team Diamonds, Darrenatics Pampanga, Darrenatics Laguna, Team C, Team CasRen, Power Team, DVT, Team T, Prayer Warriors, at ang International Vision Team headed by Rosemarie Carido Armas.

 

ADVERTISING

SMAC-NetworksSMAC Network, may tatlong bagong bigating shows online

 

MAY TATLONG bonggang-bonggang online show ang nakatakdang mapanood sa www.7107islands.tv tuwing Sabado na hatid ng SMAC Network at ito ang “Tell Me Your Story” hosted by Ms. Zen Rodriguez every 10-10:30 pm.

Ang Pangalawa ay ang “Showbiz in 30 Minutes” hosted by Sandy, Rheks, at Yuri every 10:30-11 pm, kung saan ihahatid nila ang mga fresh na fresh at controverial issues sa showbiz.

At ang pinasaya at pinalaking “Reloaded Bee Happy Go Lucky” hosted by Gawad Kabataan Ambassador Justin Lee, Gawad Kabataan correspondents Rain Calaunan, Joy Apostol, Yna Magenda, Mash Up Princess Angelica Feliciano, Cariza Llena, at Mateo San Juan every 7-10 pm.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING