Darren Espanto, handang-handa na sa kanyang nalalapit na concert

Darren Espanto, handang-handa na sa kanyang nalalapit na concert

Darren Espanto
Darren Espanto

Handang-handa na ang award-winning teen singer na si Darren Espanto sa kanyang June 25 concert na gaganapin sa Kia Theater entitled “Darren Espanto D Total Experience” mula sa direksiyon ni Sammy Samaniego.

Magiging espesyal na panauhin nito ang kanyang idol at kaibigan na si Jed Madela na isa ring mahusay at award-winning singer. Bukod kay Jed, magiging panauhin din nito sina Maja Salvador, Iñigo Pascual, Ylona Garcia, at ang G Force.

Marami nga ang nag-aabang kung manonood ba ang mga showbiz crush ni Darren Espanto sa kanyang concert na sina Kathryn Bernardo at Cassy Legaspi para suportahan siya.

John’s Point
by John Fontanilla