Darren Espanto, crush na crush ang anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na si Cassy Legaspi

Darren Espanto, crush na crush ang anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na si Cassy Legaspi

Darren-Espanto

SUPER CRUSH pala ng mahusay na teen singer na si Darren Espanto ang napakagandang anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na si Cassy Legaspi.
Kaya naman daw everytime na may interview ito at matatanong ang tungkol sa mga crushes ay consistent at may ngiting mababanaag sa mga labi ni Darren sa pagbanggit sa pangalan ni Cassy.
Pero very honest naman ito na nahihiya siya sa magandang dalagita, kaya naman ni hindi nito magawang i-text o tawagan sa telepono ang anak nina Carmina at Zoren.
Wish nga ni Darren na if mabibigyan siya ng ka-loveteam ng ABS-CBN, si Cassy ang gusto nitong makapareha. Halos lahat nga raw ng kaibigan ni Darren at maging sina Carmina at Zoren, alam ang paghanga ng teen singer kay Cassy, at maging ang mga tagahanga ni Darren ang Darrenatics, Cassrren at D International Vision Team ay suportado ang tambalang Cassy at Darren. ‘Di ba Rose Carido Armas ng D International Vision Team?

John’s Point
by John Fontanilla