Premiere Shots: Darna, muling iaangat ang Siyete?!

Premiere Shots: Darna, muling iaangat ang Siyete?!

Malapit na namang lumipad si Darna sa prime time sa katauhan ni Marian Rivera. Marami na ang nag-aabang kay Marian na suot ang napakaseksing two-piece costume ni Darna. Sa naganap na press launch nitong nakaraang Agosto 2 sa may GMA compound, hindi naman binigo ni Marian ang mga dumalo. Lumabas siya sa entabladong naka-Darna costume at nagpakitang-gilas pa sa kanyang fight scenes.

Infernezz, marami ang na-impress kay Marian. “Queen of Primetime” na nga ang bagong bansag sa rumored gelpren ni Dingdong Dantes.

Pero siyempre, hindi lang naman si Marian ang magdadala sa bagong show ng Siyete. Nariyan ang bago niyang leading man na si Mark Anthony Fernandez, mga beteranong sina Celia Rodriguez, Eddie Garcia, Ricky Davao, Caridad Sanchez, at ang mga makakalaban niyang sina Iwa Moto, Ehra Madrigal, Maggie Wilson, Francine Prieto, Nadine Samonte, at Paolo Contis.

Ang tanong ng madla, ang Darna na nga kaya ang muling mag-aangat sa primetime ng Siyete? Watchateenk?

by Jean Oli

Click to enlarge.

Premiere Shots: Darna, muling iaangat ang Siyete?!