Dapat ipareha sa ibang magaling
Elmo Magalona at Janine Gutierrez, parehong banong umarte

ADVERTISING

Dapat ipareha sa ibang magaling<br>Elmo Magalona at Janine Gutierrez, parehong banong umarte

Dapat ipareha sa ibang magaling<br>Elmo Magalona at Janine Gutierrez, parehong banong umarteHINDI MAGANDA ang feedback sa sinasabing tamabalang Elmo Magalona at Janine Guttierez sa Villa Quintana na ginampanan noon nina Donna Cruz at Kempee De Leon. Baka raw maghatakan pababa at ‘di makatulong sa mga ito ang pagtatambal dahil parehong banong umarte .

Maalalang ilang beses nang nilait si Elmo dahil ilang beses na rin itong binigyan ng GMA-7 ng proyekto pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makaarte. Katulad ng nauna, hindi rin magaling umarte si Janine kaya naman daw mukhang maling desisyon ang pagtambalin ang mga ito.

Mas maganda raw na ipareha sina Elmo at Janine sa mahusay umarte nang madala ang mga ito. Nandyan naman sina Alden Richards, Lauren Young, Joyce Ching, Dennis Trillo, Dingdong Dantes , Bianca King, atbp. na hindi masusukat ang galing sa pag-arte.

 

ADVERTISING

NALULUNGKOT ANG kauna-unahang image model ng New Placenta for Men na si 2012 Munhunt International na si June Macasaet dahil may mga taong nagkakalat ng balita na tinanggal na raw ang kanyang title bilang Munhunt Philippines at Munhunt International.

Tsika nga nito nang makausap namin kamakailan na may mga tao raw na ayaw na nitong sabihin ang pangalan na gusto siyang mawalan ng titulo na ayaw na rin nitong idetalye ang dahilan.

Pero wala raw katotohanan ang kumakalat na balita dahil siya pa rin ang reigning Munhunt Philippines at Munhunt International. Nakausap na raw nito ang organizer ng Munhunt International at sinabing mananatili sa kanya ang nasabing titulo hangang matapos niya ang kanyang reign, kaya naman daw nakahinga nang maluwag si June.

Ngayon nga raw ay sunud-sunod na blessings ang nakukuha nito after winning, bukod sa dami ng proyektong dumarating dito ay happy siya na siya ang napili ng Psalmstre na maging kauna-unahang lalaking image model ng New Placenta for Men.

Nagpapasalamat nga ito sa tiwalang ibinigay sa kanya ng CEO/President ng Psalmstre na si Mr. Jaime Aciosta na malaki ang paniniwala na magiging malakas ang kanyang produktong New Placenta for Men sa pagkakakuha kay June bilang image model nito.

 

FROM SINGING ay gusto rin palang pasukin ang pag-arte ng novelty singer na si Alexis na nagpasikat ng awiting  Arimundingmunding na humakot ng ilang nominasyon sa darating na Star Awards for Music ngayong October.

Ayon nga kay Alexis, bago siya naging singer ay ang pag-aartista ang una niyang gustong gawin kaya naman daw nang inalok siya ng isang kapit-bahay na mag-audition sa Viva Entertainment, hindi na siya nagdalawang-isip at nag-audition na siya kaagad at masuwerteng natanggap.

If ever nga raw na mabibigyan siya ng pagkakataon na makapili ng makasasama ay si Matteo Guidicelli ang gusto niyang makasama sa isang madramang palabas. Bukod daw kasi sa yummy si Matteo ay magaling din daw itong actor.

Pero hindi naman daw iiwan ni Alexis ang pagkanta dahil ito ang unang nagbukas sa kanya ng pinto para makapasok sa showbiz. Kaya naman daw patuloy siyang aawit at aarte katulad ng ibang singers na nagagawang umawit at umarte like Regine Velasquez, Lea Salonga , Charice Pempengco at Sarah Geronimo.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING