Danna Garcel, panggulat ang solo concert sa pagbabalik-showbiz

ADVERTISING

Danna Garcel, panggulat ang solo concert sa pagbabalik-showbiz

Danna-Garcel-Paul-DavidPAGKALIPAS NG ilang taon ay nagbabalik-showbiz na ang dating sexy star na si Danna Garcel. Siya ‘yung isang malapit na kaibigan ng yumaong sexy star na si Halina Perez na kasamang nabiktima sa trahedyang kumitil nga sa buhay ni Perez. Sa ngayon, sa pagbabalik ni Danna ay susubukan naman niyang tuluyang magpakilala sa pamamagitan ng pagkanta, na talaga namang isa rin sa kaya niyang gawin na kanyang maipagmamalaki.

“Matagal din ang ginawa kong pagsisikap para makalimutan ko ang tungkol sa trahedyang iyon. Huminto muna ako sa showbiz para iayos muna ang sarili ko. Nagpahinga ako, at sa simula nu’ng medyo okey na ako ay nagpunta ako sa ibang bansa. Nitong talagang naramdaman kong kaya ko na ulit balikan ang showbiz, hindi muna pagpapaseksi ang gusto kong patunayan. Kakanta muna ako,” wika ni Danna.

Sa kanyang pagbabalik ay may panggulat si Danna, dahil magkakaroon siya ng solo concert na gaganapin sa November 11 sa Music Museum, ang “Danna Garcel Metamorphosis” kung saan makakasama niya sina Luke Mijares at Daryl Ong. Nakahanda na talagang harapin ni Danna ang music world, kahit pa nga nang makaharap namin siya ay sobrang makatawag-pansin pa rin ang kanyang kaseksihan, huh?

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING