Danna Garcel, mas type magpaka-singer kaysa muling magpa-sexy

ADVERTISING

Danna Garcel, mas type magpaka-singer kaysa muling magpa-sexy

Danna-GarcelSA WALANG Tulugan, nadatnan namin ang dating sexy star na si Danna Garcel nakasama noon ni Halina Perez. Sexy at hindi pa rin nagbabago ang hitsura at ang lakas ng sex appeal ng dalaga nang tsikahin namin pagkatapos kumanta sa show ni Kuya Germs.

After pala ng disgrasyang nangyari sa kanila ni Halina ay napinsala ang kanyang isang binti, pero nabigyang-lunas naman kaagad na tumagal ng isang taon din. Nang gumaling ay nag-abroad para ipagpatuloy ang pag-aaral, pero dahil sa laki ng tuition fee ay hindi na rin nagtagal kaya ipinagpatuloy na lang ang first dream na maging singer.

Nag-perform sa iba’t ibang panig ng mundo pero mas gusto raw niyang makilala sa ating bansa as a singer kaya nagbalik para ipagpatuloy ang pangarap na maging mahusay na singer.

Hindi naman nabigo si Danna dahil kaagad na ginawan siya ng album at ang carier single ay Bakit Pa. Magkakaroon din siya ng concert sa Music Museum sa Nov. 11 at hindi rin niya isinasatabi na baka makagawa rin siya ng pelikula na naudlot lang dahil sa sakunang dinanas nila ng namayapang si Halina Perez.

ADVERTISING

Dahil nandoon pa rin ang kaseksihan at kagandahan ay hindi malayong one of this day ay alukin siya na maging cover sa isang mens magazine. Sabi nga ni Danna, why not? Kung maganda naman ang magiging shot na gagawin sa kanya ay baka raw sakaling hindi siya makatanggi.

Pero sa ngayon ay nakasentro ang attention niya sa pagkanta at sana raw ay mabigyan siya ng pagkakataon na maipamalas niya na may ibubuga rin siya sa pagkanta.

Siyanga pala, si Danna Garcel ay nasa pangangalaga ngayon ni Tita Annie, ang dating manager ni Anne Curtis.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING