THE JEALOUS TYPE: Daniel Padilla, may mga rebelasyon sa relasyon nila ni Kathryn Bernardo

MAY MGA interesting revelations ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa recent interview sa kanya ni Boy Abunda sa pamamagitan ng bagong series nito na ‘The Purple Chair’.

Ayon sa kanya, siya ang tipo ng tao na mapapatawad ang kanyang partner kung sakaling magkasala ito sa kanya.

THE JEALOUS TYPE: Daniel Padilla, may mga rebelasyon sa relasyon nila ni Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

“Yes. I will not move on. Hindi ako makaka-move on sa sarili ko, not for us. Kung sakaling may ganun sa isang relasyon ko, kapag ako ay trinaydor at may ginawang mali, kaya kong patawarin ‘yung tao na ‘yun. Kasi para sa akin din iyon. Kapag hindi mo ginawa ‘yun, you will be lost,” sambit niya.

Inamin din ng binata na minsan na rin siyang nakagawa ng pagkakamali sa kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo at siya ay pinatawad nito.

“That happened to me before. At si Kathryn pinatawad ako. Nagkamali ako before. I was a kid. I was stupid. And still tinanggap niya ako, tinanggap niya ako ng buo,”

“Small things, misunderstandings na mga usapan, or minsan may plano ako tapos iba ‘yung gusto niyang gawing plano. Ayaw na lang niya makinig sa akin. Minsan may ganun pero hindi na [katulad noong] dati na pikon na pikon ako. Ngayon, mananahimik na lang muna ako,” he said.

Ayon kay Daniel, pareho sila ni Kathryn na the jealous type.

“Pareho kami. Ako seloso ako pero hindi ako nagseselos kay Kathryn kasi alam kong wala naman dating sa kanya ‘yung mga lalaki. Kapag ako nagselos, doon ako bad trip sa kung sino lumalapit sa kanya. ‘Yun ‘yung kakausapin ko. I will talk to the guy. ‘Hey man, that’s too much.’ Kasi ako komportable ako na wala eh,” pag-amin niya.

“Si Kathryn magagalit din siya sa akin. Kasi minsan ako I am too much of a gentleman. Pero sa akin wala naman ‘yun. Siya lang,” dagdag pa niya.

Kahit na more than eight years na silang magkasintahan ni Kathryn, pakiramdam niya ay masyado pa silang bata para magpakasal. Gusto niyang magsettle down in four to five years.

Steady lang ang flow ng KathNiel. Sure kami na willing to wait din ang mga tagahanga nila!