Daniel Padilla, wala nang panahon sa mga dating kaibigan

Daniel Padilla, wala nang panahon sa mga dating kaibigan

Daniel-PadillaCONSISTENT NAMAN kasi ang ugali ni Daniel Padilla, na kahit sikat na sikat na siya ay hindi siya nagbabago. Hindi naman talaga mawawala ang mga pagbibintang, na kesyo lumaki na ang kanyang ulo at mahirap na siyang mahagilap, lapitan at kausapin, dahil sikat na nga siya. Kahit naman si Daniel sa kanyang sarili, alam na nangyayari na iyon, kasi nga, hindi na niya hawak ang kanyang oras para maabot siya ng maraming tao na dati niyang nakasasama.

Sobrang busy na si Daniel, dahil bukod sa pagpepelikula ay lagi rin siyang mayroong nakakasang teleserye sa ngayon na pinaghahandaan ng ABS-CBN. Alam ng sikat na young actor, na kung mahal siya ng mga taong dati niyang nakasasama at kasabay niyang nangarap para marating ang kasikatan niya ngayon, hindi sila magtatampo, bagkus ay naroon ang pang-unawa, na iba na talaga ang sitwasyon ngayon ng kanyang buhay.

Habang nalalapit na ang pagpapalabas sa telebisyon ng bagong teleseryeng pinagbibidahan nina Kathryn Bernaardo at Daniel, ay mayroon muna silang surpresang pampakilig na pelikula para sa kanilang mga fans, ang Crazy Beautiful You ng Star Cinema. Mayroon pa ring ilang pelikulang sisimulan ang pamangkin ni Robin Padilla, kaya talagang kulang na kulang na siya ngayon ng panahon para sa ibang tao, kahit sa kanyang sarili. Kulang na kulang na rin siya sa pahinga.

ChorBA!
by Melchor Bautista