Daniel Padilla, wala nang ganang mag-Instagram?

Daniel Padilla, wala nang ganang mag-Instagram?

Daniel-PadillaPARANG NAWAWALAN na ng ganang magbukas ng panibagong Instagram account si Daniel Padilla after ma-hack recently ang kanyang account.

Actually, twice nang na-hack ang Instagram account ni Daniel and the most recent of which ay habang pauwi na sila ni Kathryn Bernardo matapos mag-show sa US. Mismong si Kathryn pa ang nag-announce sa kanyang Twitter account na na-hack ang IG account ng kanyang favorite leading man.

Parang nababanas na si Daniel kaya nasabi nitong ayaw na niyang magkaroon ng panibagong IG account. Inaayos pa yata ang kanyang na-hack na Instagram account nang ma-interview siya recently pagbalik niya sa US.

Mahalaga kay Daniel na meron siyang IG account. Sa dami ng fans niya, dapat lang siyang magkaroon nito, ‘no, otherwise, paano niya mapasasaya ang milyun-milyon niyang fans na umaasang makita ang mga mahahalagang events sa buhay at career niya?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas