Daniel Padilla, tinawag na baliw si Kathryn Bernardo

Daniel Padilla, tinawag na baliw si Kathryn Bernardo

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaSABI NI Daniel Padilla, may kabaliwan din daw ang ka-loveteam niyang si Kathryn Bernardo.

“Ano rin ‘to, eh, addict sa adrenalin rush itong si Kathryn, eh. Hindi siya ‘yung tipo na matatakutin sa mga bagay na extreme. Mas matapang pa siya sa akin, sa mga ganoon. Ako ‘yung nagiging crazy sa mga pinaggagawa niya,” sabi ni Daniel na hindi itinago ang kilig kapag kasama niya ang rumored girlfriend.

Nang si Kathryn naman ang matanong sa presscon ng kanilang movie na Crazy Beautiful You, kaagad itong nagsabi na marami rin daw craziness si Daniel.

“Hindi ‘yung crazy na maiirita ka na ang kulit-kulit, ganyan. Crazy siya na ang cute kasi para siyang little boy,” say ni Kathryn.

May pahabol pa si Kathryn na marami rin daw beautiful traits si Daniel.

“Kasi si DJ, ‘yung tipo ng tao na hindi niya kailangang sabihin lahat ng ginagawa niya. Makikita mo na sa kanya, eh. Kahit makasama mo siya ng isang araw, ‘yung mga little things na ginagawa niya, makikita mo na napakabuti niyang tao. Hindi ko ‘to sinasabi dahil ka-loveteam ko siya. Totoong mabait ho ‘yan,” papuri ni Kathryn kay Daniel.

Kaagad namang sinang-ayunan mismo ni Daniel kaya nagtawanan ang mga fans na nasa loob ng Dolphy Theater, kung saan ginanap ang grand presscon ng kanilang movie.

“Totoo po ‘yan, mabait ako. Kaya hindi ako sumasama kung kani-kanino, eh,” say ni Daniel na nakatawa.

Kasama rin sa Crazy Beautiful You na idinirek ni Mae Cruz-Alviar sina Lorna Tolentino, Iñigo Pascual, at Gabby Concepcion na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan on February 25.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo