Daniel Padilla, sobra nang taas ng TF sa mga event

Daniel Padilla, sobra nang taas ng TF sa mga event

Daniel-PadillaTRUE, FLYING high ang talent fee ngayon ni Daniel Padilla sa anumang event para mag-perform, lalo na sa probinsiya. Lalo pa ngayong hataw sa rating ang teleseryeng Pangako Sa ‘Yo with Kathryn Bernardo ng Kapamilya Network. Pero kahit madugo ang TF ng binata, marami pa rin ang kumakagat sa presyo nito.

May mga naka-line-up pang TV commercial si Daniel na hindi pa nagagawa dahil sa hectic schedule nito sa serye. May gagawin pa siyang pelikula sa Star Cinema with Kathryn for Metro Manila Film Festival. Kahit halos walang tulog at pagod sa taping, cool lang si Daniel. Hindi ka makaririnig na complain mula sa kanya. Ini-enjoy naman kasi niya ang pagiging artista at ang kasikatang tinatamasa sa ngayon.

Kahit alam ni Daniel ang kinalalagayan niya, nakaapak pa rin siya sa lupa. Mababa ang loob at walang hangin sa katawan tulad ni Robin Padilla. Palihim ang pagtulong sa kapwa na hindi na kailangang i-press release pa. Malaking factor ang amang si Rommel Padilla sa magandang attitude ng kanyang anak. Naaalalayan niya ito at nabibigyan ng advice if ever kailangan ni Daniel ang suporta ng isang ama.

As expected, successful ang solo concert ni Daniel sa MOA Arena last Saturday. Dagsa ang mga fans sa iba’t ibang lalawigan para mapanood ang kanilang idolo. Nakabibinging tilian tuwing lalabas on stage si Daniel para sa kanyang solo number. Kahit hindi kagandahan ang boses, natatakpan ng charisma ng teen heartthrob. Worth watching, ayon sa mga nakapanood na nakausap namin. Congrats!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield