Daniel Padilla, sinugod na ng fans, ‘di na nakanta ang last song sa concert

Daniel Padilla, sinugod na ng fans, ‘di na nakanta ang last song sa concert

Daniel-PadillaMATINDI TALAGA ang fans ni Daniel Padilla at hindi talaga sila nagpaawat na sugurin ang binata bago pa nito kantahin ang last song na kasama sa kanyang repertoire during his Most Wanted concert na ginanap sa MOA Arena last Saturday, June 13. Kinailangan pang umakyat ng event security sa stage para pigilin ang pag-akyat ng sandamakmak na fans. At dahil sa tensyon, hindi na pinakanta si DJ para sa seguridad ng lahat.

Dahil sa sold out concert ay muli na namang pinatunayan ni Daniel ang pagiging Teen King. Nag-iisa lang talaga siya sa kanyan trono, huh! Full house ang concert venue na pinuno ng solid Daniel fans na maaga pa lang ay nakapila na para mapanood muli ang kanilang idolo.

Naging kakaiba rin ang concert na ito ni DJ dahil naging “crooner” siya nang gabing ‘yon dahil sa mga rendition niya ng classic songs na Fly Mo To The Moon, Isn’t She Lovely, How Sweet It Is To Be Loved By You, at marami pang iba. Guest naman ng Teen King sa concert sina KZ Tandingan, Harana Boys, Gary Valenciano, Kyla, Morisette, Edgar Allan Guzman, Nyoy Volante, at siyempre si Kathryn Bernado na naka-duet pa niya.

Congratulations, Daniel. Ikaw na talaga!

La Boka
by Leo Bukas