Daniel Padilla, sabik na kagatin sa lips si Kathryn Bernardo!

ADVERTISING

Daniel Padilla, sabik na kagatin sa lips si Kathryn Bernardo!

Daniel Padilla, sabik na kagatin sa lips si Kathryn Bernardo!
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla | Photo courtesy of StarMagic

NASA MOOD SI Daniel Padilla nang mausisa ng medi sa ng bago nilang pantaserye na La Luna Sangre ni Kathryn Bernardo.

 
Aliw ang binata sa punchline niya na kung sakaling isa siyang vampire, sino ang kakagatin niya?
 
Walang paliguy-ligoy na sinabi ng binata na si Kathryn ang gusto niyang kagatin!

Anong parte ng katawan naman ng dalaga? Straightforward, ang sagot ng binata:”SA LIPS!” sabay bungisngis.
 
Sa bagong serye na magsisimula na mapanood sa darating na Lunes, June 19. Bukod sa lady love niya na si Kathryn ay makakasama din nila sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin (playing the roles of Mateo and Lia respectively) at si Richard Gutierrez naman who plays a bampira named Sandrino.
 
Ang serye ay nasa pamamahala ni Direk Cathy Garcia-Molina, na siyang direktor ng dalawa ng “Pangako Sa ‘Yo” na sinubaybayan din ng milyon-milyong manonood.
 
Sa first week ay hindi pa mapapanood ang KathNiel loveteam sa serye. Sa 2nd week sila papasok sa mga eksena.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING