Daniel Padilla, puwede nang ihanay kina John Loyd, Coco, Piolo, at Jericho

ADVERTISING

Daniel Padilla, puwede nang ihanay kina John Loyd, Coco, Piolo, at Jericho

Daniel Padilla
Daniel Padilla

Lutang na lutang ang husay ni Daniel Padilla sa latest movie nila ni Kathryn Bernardo under Star Cinema, ang “Barcelona: A Love Untold” sa direksiyon ni Olivia Lamasan.
Kahit nga kami ay napahanga ni Daniel dahil sa lalim ng acting na ipinakita niya nang mapanood namin ang kanilang pelikula ni Kathryn mula sa imbitasyon ng DJPTFC through Ate Elsa Soriano.
Hindi nga malayong mapahanay si Daniel sa iba pang mahuhusay na actor sa bansa like John Loyd Cruz, Coco Martin, Jericho Rosales, at Piolo Pascual o maging sa mga beteranong actor na sina Christopher De Leon, Richard Gomez, at Aga Muhlach.
Marami ngang eksena ni Daniel sa “Barcelona” ang mapapahanga ka sa husay nito na nagpapakita ng maturity niya bilang actor at malayung-malayo sa mga nauna niyang pelikula.
Kung ilang screeningS nga ang ginawa ng solid KathNiel fans especially ng DJPTFC na pinaka-supportive fans club ng dalawa at napakaganda ng PR sa mga press people.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING