Daniel Padilla, pumayag mag-topless kahit walang abs

Daniel Padilla, pumayag mag-topless kahit walang abs

Daniel-PadillaHINDI PA uso kay Daniel Padilla ang pagdyi-gym. Wala raw siyang time lalo na ngayong busy siya sa taping ng series na Pangako Sa ‘Yo with Kathryn Bernardo. Magkaganu’n man, kahit wala pa siyang abs, pumayag naman siyang mag-topless sa trailer ng ABS-CBN series.

Ang lakas ng dating sa mga babae at sa mga beki ng eksenang naka-maong jeans lang si Daniel at naka-topless habang nakahiga sa balsa sa gitna ng ilog. Sobrang hot dito ni Daniel at lumabas ang kanyang pagiging senswal. Isa raw ang eksenang ‘yon sa aabangan ng televeiwers, huh!

Eh, paano na lang kung nag-start nang mag-gym si Daniel at lumabas na ang kanyang abs. Tiyak lalo siyang pagnanasaan ng mga babae at mga beki? Sey nga ng mga naiinggit kay Kathryn, napakasuwerte raw ng dalaga dahil siya ang partner ni Daniel.

Say naman ng isang taga-Star Creatives, mas lalo raw paiinitin ni Daniel ang summer ‘pag nagsimula nang umere ang Pangako Sa ‘Yo. Naku, aabot kaya ng 40 degrees ang temperature ng mga sasaksi sa serye kapag pinanood na nila ang topless scene ni Daniel? Nakakakaloka naman!

La Boka
by Leo Bukas