Daniel Padilla, points daw papuntang impiyerno ang bashing

Daniel Padilla, points daw papuntang impiyerno ang bashing

Daniel-PadillaHINDI PABOR ang Pangako Sa ‘Yo lead actor na si Daniel Padilla sa kompetisyon ng mga sikat na loveteams ng ABS-CBN.

“Eversince naman na nagsisimula ako, ayoko ng… hindi ako nag-aano sa kumptensiya, kasi nga, matagal ko na ‘tong sinasabi sa mga fans ko, lalo na sa fans namin ni Kathryn, huwag nating inaaway ang sariling atin,” komento niya.

“Sa atin ‘yan, eh, ‘di ba? Kesa naghihiwa-hiwalay tayo, mas masarap kung nagsasama-sama tayo, nasa isang network tayo, bakit tayo mag-aaway-away?” hirit pa niya.

“Saka sa personal naman, hindi naman kami magkakaaway. Eh, kaibigan ko rin ‘yang mga ‘yan, eh. Kaya ang awkward din na naglalaban, tapos kami-kami rin nag-uusap,” dagdag pa niya.

Hindi rin pabor si Daniel sa mga fans na naninira at nangba-bash ng kapwa-artista.

“Alam mo ‘yang bashing eh, hindi ko maintindihan kung bakit may gumagawa pa niyan. Bad vibes ‘yun, eh. Huwag ka nang mang-bad vibes ng tao.

“Pangit ng trip na ganun. May nagge-gain ka ba or may happiness ka bang nararamdaman ‘pag sinisiraan mo ‘tong taong ‘to? Wala kang happiness do’n, nagkakaroon ka lang ng points papuntang impiyerno,” natatawang sey ng young actor.

La Boka
by Leo Bukas