Daniel Padilla, pinuno ng fans ang solo concert sa MOA Arena

ADVERTISING

Daniel Padilla, pinuno ng fans ang solo concert sa MOA Arena

1 Daniel-PadillaSUPER SUCCESS ang katatapos lang na solo concert ni Daniel Padilla sa MOA Arena. Napuno ng actor/singer ang buong arena. Malaki na raw ang improvement ng voice ng binata as a singer. Bumagay sa kanya ang mga line of songs na kinanta nito on stage. Very confident na si Daniel on stage habang nagpi-perform.

ADVERTISING

Umakyat on stage si Kathryn Bernardo para mag-duet sila ni Daniel. Super kilig at tilian ang kanilang mga fans habang kumakanta ang dalawa. Aliw na aliw namang pinanonood ni Madam Charo Santos ang magka-loveteam habang nagdu-duet. Nang matapos ang kanilang song number, maririnig mo from the audience na sumisigaw ang mga fans ng kiss mula kay Daniel. Naka-smile lang si Kathryn at hinihintay niyang halikan siya ng binata. Pinagbigyan naman ni Daniel ang request ng mga fans para maging masaya ang mga ito.

Bago matapos ang show, kumuha si Daniel ng babae from the audience para maka-duet niya. May biglang umakyat na teenager na babae on stage at nagpa-picture sa young actor. Nagpakuha naman si Daniel, nagsunuran na ang lahat, nagkagulo on stage. Nag-akyatan na ang mga marshall para ilayo si Daniel sa mga fans. May dalawang song number pa sana ang binata before the end of the show. Natigil dahil hindi maawat ng marshall ang mga fans na gustong magpa-picture sa kanilang idolo. Kung si Daniel ang tatanungin, gusto niyang pagbigyan ang lahat ng kanyang mga fans. Huwag lang on stage habang nagpi-perform.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING