Daniel Padilla, pinayuhan ng amang si Rommel Padilla tungkol sa lovelife

Daniel Padilla, pinayuhan ng amang si Rommel Padilla tungkol sa lovelife

Daniel-PadillaNILINAW NI Daniel Padilla ang naging pahayag ng tatay niyang si Rommel Padilla tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ngayon ng ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.

“Parang lang naman ang sinabi ni Erpat. Hindi pa siya sigurado do’n,” sabi agad ng Teen King.

“Ako lang ang makakasagot niyan… Hindi pa talaga. ‘Di nga puwede. ‘Di pa puwede. Let’s wait,” pahayag ulit ng aktor.

May advice naman si Rommel kay DJ tungkol sa lovelife nito.

“Lagi kong sinasabi, ‘di lang kay DJ, kundi sa lahat ng mga anak ko na ang ipa-prioritize nila is ‘yung karera nila. Ginagawa ko na ngang example ang sarili ko, eh. Kasi nu’ng time ko, wala akong inatupag kundi ang mag-girlfriend nang mag-girlfriend, nakalimutan ko kung ano ‘yung kinalalagyan ko…

“So lumungkot ‘yung karera, ‘di ba? Naging pabaya ako. So, ngayon ako bumabawi rito sa aking mga anak. Advantage sa kanila dahil nandito pa ako, si Tito Robin nila,” diretsong pahayag ni Omeng.

“Kay Kathryn, magaan ang loob ko sa batang ‘yan… At saka, sabi ko nga, wala akong karapatang mangialam sa magiging desisyon ng anak ko (Daniel), kasi buhay niya ‘yon, eh. Basta nandito lang ako lagi para suportahan siya,” dagdag pahayag pa niya.

Muling magsasama sina Daniel at Kathryn sa remake ng Pangako Sa ‘Yo na unang ginawa nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. May pelikula rin silang gagawin sa Star Cinema which is still untitled.

Si Daniel ang kumanta ng themesong ng Pangako Sa ‘Yo na kaagad namang naging viral sa internet.

La Boka
by Leo Bukas