Daniel Padilla, pilit na ikinukumpara kay Kristoffer Martin

ADVERTISING

Daniel Padilla, pilit na ikinukumpara kay Kristoffer Martin

Kristoffer-Martin-Daniel-PadillaHINDI MAIWASANG ipagkumpara sina Kristoffer Martin at Daniel Padillla na parehong pambato ng kanya-kanyang TV network – sa ABS-CBN si Daniel, samantalang sa GMA-7 naman si Kristoffer – na parehong may primetime soap.

Parehong umaarte at kumakanta ang dalawa. ‘Yun nga lang, dahil kung pag-arte ang pag-uusapan, lamang si Kristoffer na nanalo na ng Best Supporting Actor ‘di lang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa.

Samantalang nakauungos naman pagdating sa pagkanta si Daniel dahil certified triple platinum na ang kanyang dalawang self-titled album at nanalo na rin ito sa iba’t ibang music awards, habang si Kristoffer ay inaayos pa lang ang lalabas na self-titled album.

Ang dalawa nga raw ang magka-match among young stars ngayong dekada pagdating sa popularity sa showbiz industry. Marami nga ang nagsasabing si Daniel ang sumusunod sa yapak nina John Lloyd Cruz at Jericho Rosales, samantalang si Kristoffer naman daw ang sumusunod sa yapak nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes .

ADVERTISING

 

NAMI-MISS NA raw ng Tween Star at magaling na young kontrabida na si Rhen Escaño ang gumawa ng soap dahil after Anna Karenina, pansamantalang namahinga ito at nagkaroon lamang ng guest appearance sa Akin Pa Rin Ang Bukas, na pinagbibidahan ni Lovi Poe.

Nasungkit din ni Rhen ang award for Most Promising Female Teen Event/ TV Host sa Dangal Ng Bayan Gawad Musika 2013 na ginanap kamakailan sa Music Museum, kung saan kasabay nitong tumanggap ng award ang Master Showman himself na si Kuya Germs Moreno, 4 Tenors, UPGRADE, Teejay Marquez, Lance Raymundo, atbp.

Daniel-Padilla-Kristoffer-MartinSa ngayon daw, regular na napanonood si Rhen sa Walang Tulugan With The Master Showman bilang teen co-host at abala sa paggi-guest sa iba’t ibang shows ng Kapuso Network like Maynila at Love Hotline.

 

MAS LUMALALA raw ang gusot sa pagitan nina Kylie Padilla at Kris Bernal dahil na rin sa pamba-bash na ginawa ng mga tagahanga nina Kris at Aljur Abrenica na siyang boyfriend ni Kylie.

Nasasaktan na daw kasi si Kylie sa below the belt na tira sa kanya ng solid supporters ng tambalang Kris at Aljur na minsan daw ay nagiging dahilan ng pag-aaway nina Kylie at Aljur.

At kahi’t nga sinasabihan na si Kylie na ‘wag na lang pansinin ang pang-aaway sa kanya ng mga tagahanga ng magka-loveteam na Kris at Aljur, napipikon na rin daw ito at nagagawa nang pumatol para ipagtanggol ang kanyang sarili.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING