Daniel Padilla, patuloy na binabakbak

ADVERTISING

Daniel Padilla, patuloy na binabakbak

Daniel-PadillaMAY DEMOLITION job ang isang kampo ng mga fans na gustong siraan si Daniel Padilla. Mula nang ipalabas ang box-office hit movie ng binata na She’s Dating The Gangster kasama ang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo, hindi na tumigil ang mga paninira sa binata.

ADVERTISING

Kung maalala pa, sa kainitan ng promotion ng SDTG noon, saka naman lumabas ‘yong pictue ni DJ na may hawak-hawak na bote ng beer at naninigarilyo na akala ng kabilang kampo ay makaaapekto ito sa popularidad ng binata pero nagkamali sila. Sa paglabas ng naturang picture, isa sa pinagdudahan na nagpasimulang magpakalat ay ang dating band ng showbiz hottest teen idol na Parking 5. Pero walang nangyari sa plano nila pabagsakin ang binata. Sa katunayan, walang pumatol.

Ang latest pakana ng kalaban, ang sinasabing flop diumano ang nakaraang concert ni DJ kasama si Kathryn sa Subic sa Olongapo. But based on photos & coverage ng concert, hindi mo masasabing flop dahil sa liit ng market ng Gapo, malawak ang attendance ng Kathniel fans sa kanilang idolo.

Isyu kung nag-flop ang concert ni Daniel sa Araneta dahil isa ito sa malaking show venue. Sa katunayan, mas kumita ang mga scalper dahil noong gabi ng concert at ubos na ang tickets, binenta ng scalpers nang tatlong beses from the original price ang tickets.

ADVERTISING

After the Subic concert (bukod sa maliit ang market ng area) kung “laos” na ang binata dapat sana’y hindi nag-click ang concert niya sa Cagayan de Oro at sa Davao (last Wednesday).

Magpasahanggang ngayon, hindi mabatid kung sino ang may pakana sa demolition job sa career ng binata.

Sabi-sabi, ngayon na pumirma na ang guwaping na si James Reid (of the hit Dairy Ng Panget at Talk Back And You’re Dead) sa Kapamilya Network as one of their promising talents, malalagay sa alanganin ang career ni Daniel, na sabi-sabi at pinagdududahan ay baka galing sa kampo ng Fil-Australian ang pakana na pabagsakin si Daniel lalo pa’t halos pareho sila ng market na bagets, cutie at tipong astig ang peg.

Pero sa mga fans ni Daniel, deadma sila sa kaliwa’t kanang intriga at paninira sa kanilang idol as long as active si DJ sa kanyang trabaho, walang problema ang mga negative issues na ipinapalabas laban sa kanya, dahil alam nila paninira lang ito sa binata.

Kung nalalaos na si Daniel, dapat wala nang kasunod na film project ang binata na balita namin ay idi-direk ng pihikan na si Direk Olivia Lamazan at isang teleserye project na kung hindi kami nagkakamali ay ire-revive nila ni Kathlyn ang isang hit serye ni Jerico Rosales at Kristine Hermosa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING