Daniel Padilla, P1-M per taping day ang TF sa teleserye

ADVERTISING

Daniel Padilla, P1-M per taping day ang TF sa teleserye

Daniel-PadillaONE MILLION pesos per taping day times three times a week equals P3-M times four weeks sa isang buwan equals P12-M! Ganito raw ang tinatanggap na talent fee ngayon ni Daniel Padilla for working on his soap, ang Pangako Sa ‘Yo, discloses a female network employee.

Nagkataon na sa iisang mesa kami nakaupo ng babaeng ‘yon seated about three chairs apart sa isang recent showbiz event. How come she’s privy to Daniel’s rate? Ah, oo nga pala, galing pala siya sa ABS-CBN and her source must be a former co-worker, or better yet mismong ina ni Daniel na si Karla Estrada!

Kung ang dating reporter-friend ni Karla ang tatanungin, hindi imposibleng ang dating singer-actress ang source ng impormasyong ito. No wonder nga raw, nauubos daw ang panahon ni Karla sa kabibilang ng perang kinikita ng anak, kaya imbes na maabala ay in-unfriend niya ang mga dating kaibigan sa press na kasa-kasama noong mga panahong napuputulan sila ng kuryente.

 

ADVERTISING

NOT ALL expressions of love may be labeled right o wrong, pero ang mahalaga ay maranasan ng isang tao ang magmahal, masarap man o masakit ang dulot nito.

Ito ang nakapaloob na kuwento this Sunday episode ng Ismol Family.

May tatanggaping bisita si Mama A., si Dr.Emman Lalait, ang kanyang magaling na plastic surgeon. Hindi mapipigilan ni Mama A. na magkagusto sa simpatikong doktor. Gusto rin siya ni Doc, pero bilang kapalit lang ng mommy nito na labis na nitong nami-miss.

Mas tumindi naman ang pagsubok sa pag-iibigan nina Ethan at Yumi. Nakunan ng video ni Jackie ang pag-uusap ng parents ni Ethan at pinanood ito kay Bobong. Magagalit si Bobong nang malamang ayaw ng mga parents ni Ethan kay Yumi, dahil mukha raw itong mabaho.

Kaso hindi tinapos ni Bobong ang panonood ng cell phone video, hindi niya tuloy na-realize na ang tinutukoy pala ng parents ni Ethan ay si Jackie at hindi si Yumi.

Samantala, magkaiba naman ang expression ng pagmamahal nina Jingo at Majay para sa anak nilang si PJ. Tinuturuan ni Majay ng gawaing bahay ang bata para maging independent in the future. Kaso ang tingin ni Jingo rito, balang-araw ay magiging under lang si PJ ng mapapangasawa nito.

Abangan ang lahat ng ‘yan sa Linggo, sa Ismol Family.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING