Daniel Padilla, niregaluhan ng kotse ang ama at mga kapatid

Daniel Padilla, niregaluhan ng kotse ang ama at mga kapatid

Daniel-PdillaIMBIS NA si Daniel Padilla ang regaluhan ng aman si Romel at ng mga kapatid niya, siya pa ang nagregalo sa mga ito noong nakaraang kaarawan niya. Yes, nagregalo ng isang mamahaling kotse ang binata sa ama at sa dalawa niyang mga kapatid sa ama. Ayaw ipadetalye ng ina ni Daniel na si Karla Estrada kung anong klaseng kotse ang iniregalo niya sa ama at sa dalawang half-siblings niya.

Pero kung ganito naman kabait ang anak mo at kapatid, sino ang hindi matutuwa sa ganitong gesture. Sabi ng ilan, mabait lang talaga si Daniel at marunong mag-share sa mga pamilya. “Except sa ina na yumabang na. No need to elaborate at ayaw ng former manager niya na si Vic Mampusti at ayaw ni Mr. Chuasing,” sundot ng isang reporter na dating matalik na kaibigan ng ina ni Daniel.

Reyted K
By RK VillaCorta