Daniel Padilla, ngarag sa paghahanda sa concert

Daniel-PadillaNGARAGAN NGAYON ang buhay ni Daniel Padilla. Kung kalian malapit na, doon lang siya pinakawalan. Noong press launch para sa 3rd major concert niya na “Most Wanted” last Saturday noon na gagawin sa SM MOA Arena sa darating na Saturday, June 13 (mayroon pa siyang limang araw), wala pa siyang tulog.

Kadarating lang niya ng haybols nila ng mga alas-sais ng umaga, kung saan galing siya sa taping ng Pangako Sa ‘Yo sa Zambales kaya medyo late na siyang nakarating sa Dong Juan Restaurant ni Papa Ahwel Paz na super abala rin sa pag-eestima sa mga press na nandodoon.

Dumating si DJ na naka-super dark shades. Pantakip siguro sa namumulang mga mata dahil kulang sa tulog. Pero nang tinanggal niya ang suot na shades, tumambad ang napaka-guwapo at super fresh na Daniel Padilla. Humingi ng dispensa at madaling-araw na siya napakawalan sa set ng teleserye nila ni Kathryn Bernardo.

Sa katunayan, ngayong araw, Lunes, pakakawalan muna siya ng produksyon ng teleserye nila para mag-focus naman sa rehearsal ng pangatlong concert niya. Kuwento nga ng binata, ibang show raw ito. Not the usual Daniel Padilla concert in the past na very pambagets ang peg niya.

Late mang isinagawa ang press launch, may mga promotions na rin naman ang concert niya na last week pa lang ay almost sold-out na ang mga tickets.

Kaya nga may bagong pakulo ang show producers, ang ABS-CBN Integrated Events and Star Events, dahil parang katulad ng Paquiao-Mayweather bout kamakailan, mapapanood na rin nang live ang performance niya mula sa SM MOA Arena sa mga SM Cinemas sa Cabanatuan, Dasmariñas (Cavite), Davao, Cebu, Iloilo, Pampanga, at Legaspi City in Albay.

Kaya nga hindi ka man makarating ng Manila to watch the show, parang napanood mo na rin nang live ang mga kaganapan dahil live feed ang magaganap, bukod pa sa pay per view sa Sky Cable at sa ABS-CBN Mobile.

Bongga ang line-up ng guests ni DJ at kabilang nga si Gary Valenciano.

At si Kathryn? “Manonood lang siya. Nasa audience lang siya,” sabi ni DJ sa amin.

Ang bagong peg ni Daniel sa kanyang 3rd major concert ay tipong DJ “The Crooner” na babanatan niya ang mga awitin nina Frank Sinatra, James Taylor, at Stevie Wonder.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleJasmine Curtis Smith, malabong masama sa soap ng Kathniel
Next articleSarah Geronimo, alanganin pa ring magpakasal kay Matteo Guidicelli

No posts to display